WebClick Tracer

Tulfo, Yap pinababasura Oil Deregulation law

Naghain ng panukala ang isang grupo ng mga mambabatas upang ipabasura ang Oil Deregulation law at itayo ng Budget ng Bayan Para sa Murang Petrolyo (BBMP) sa layuning mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

Sa House Bill 8898, sinabi nina ACT CIS party-list Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, Jocelyn Tulfo at Benguet Rep. Eric Yap na bagama’t maganda ang intensyon ng Oil Deregulation law ay hindi ito nagtagumpay na mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

“By restoring government oversight, the bill seeks to protect ordinary Filipinos’ interests through addressing concerns on transparency and anti-competitive practices by fostering a fair market environment through government control,” sabi sa explanatory note ng panukala.

Ang panukalang BBMP, na pangangasiwaan ng Office of the Philippines ay gagamitin umano upang mapanatili ang presyo ng lokal na produktong petrolyo.

Ang BBMP ang gagamitin upang bayaran ang mga kompanya ng langis sa kanilang dagdag na gastos bunsod ng pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado at paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.

Maglalaan ng P10 bilyon para sa implementasyon ng panukala na kukunin sa sobrang buwis na makokolekta sa imported na produktong petrolyo at savings ng gobyerno.

“This bill is not intended to stifle competition or hinder economic growth. Instead, it seeks to recalibrate the regulatory framework to strike a balance between market dynamics and the government’s responsibility to protect the welfare and interests of its citizens.” (Billy Begas)

See Related Story Here:

Naonse taumbayan: Erwin Tulfo itinulak pagbasura sa Oil Deregulation Law

TELETABLOID

Follow Abante News on