WebClick Tracer

‘Trabahong tamad, plagiarism’: Castro pinakakasuhan DDB Group Philippines

Pinakakasuhan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa Department of Tourism (DOT) ang DDB Group Philippines kaugnay ng kontrobersyal na tourism video na naglalaman ng mga lugar na hindi kuha sa Pilipinas.

Sa deliberasyon ng panukalang 2024 national budget, tinanong ni Castro si DOT Undersecretary Mae Elaine Bathan kung may naisampa ng kaso laban sa DDB Group Philippines na pagmamay-ari ni Gil Chua.

Sinabi ni Bathan na ibinasura na ng DOT ang kontrata nito sa DDB Philippines.

“Pero ang ini-expect ng representasyong ito, dahil nagbunga ito ng kahihiyan sa ating bansa, nagbunga ito ng kahihiyan sa mga Pilipino, itong trabaho ng DDB na trabahong tamad at plagiarism yong paggawa ng video at yung mga misrepresentation ng mga (tourism) sites. So hindi lang basta termination eh. Dapat nagkaso tayo dito sa DDB. So would you pursue a case against the DDB dito sa ginawa nilang plagiarism, trabahong tamad at misrepresentation,” sabi ni Castro.

Sagot naman ni Bathan, “As of the moment the priority of the department was to immediately terminate and cancel the contract Mr. Chair and one of the serious considerations is the other courses of legal action Madam Chair including the filing of action in the proper court should the same be warranted. But as we said there was already forfeiture for the performance bond as far as the penalty aside from termination and cancellation and the nonpayment of any relative expenses that have been incurred relative to the project.”

Muling inulit ni Castro ang pagkadismaya nito.

“Disappointed ako don sa sagot kasi dapat file-an natin ito ng kaso. Dapat magpag-usapan ng DOT na ma-file-an itong DDB ng kaso dahil sa kahihiyan naidulot nito sa atin,” dagdag pa ni Castro.

Sa muling pagtatanong ni Castro, sinabi ni Bathan na hindi nagalaw ang P49 milyong pondo na nakalaan para sa kontratang nakuha ng DDB Group Philippines.

Sinabi ni Bathan na mayroong mga empleyado ng DOT na naghain ng kanilang resignation letter kaugnay ng pag-upload ng kontrobersyal na video.

Iginiit naman ni Tourism Secretary Christina Frasco na walang intensyon ang DOT na gumamit ng imahe na hindi original at kasama umano ito sa kanilang kontrata sa DDB Group Philippines.

“This is the very promise by which they (DDB Philippines) were given permission to publish said videos. The DOT could not have known that a reputable worldwide agency recognized for its ability to produce reliable content would upload unoriginal videos which is precisely why the DOT in its aghast at this act that has caused damage to banding campaign and to the country immediately ordered an investigation,” sabi ni Frasco.

Sinabi rin ni Frasco na walang intensyon ang DOT na payagang ma-upload sa mga social media account nito ang mga hindi orihinal na imahe. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Martial law na sa Kamara – Cong. France Castro

TELETABLOID

Follow Abante News on