WebClick Tracer

Teves kinasuhan ng murder

Teves

Sinampahan ng mga kasong murder si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Para ito sa tatlong pagpatay sa lalawigan noong 2019.

Dawit si Teves sa pagkamatay ni Michael Dungog, dating Negros Oriental provincial board member, na binaril noong Marso 25, 2019 sa Dumaguete City.

Gayundin sa pagkamatay nina Lester Bato, isang bodyguard ng isang mayoral candidate noong Mayo 26, 2019; at Pacito Libron, na sinasabing hitman na may kaugnayan kay Teves.

TELETABLOID

Follow Abante News on