WebClick Tracer

Tapyas budget sa DOT ikinabahala sa Kamara

Ikinabahala ng mga mambabatas ang malaking tapyas sa budget ng Department of Tourism (DOT) para sa susunod na taon.

Sa deliberasyon ng panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024, iprenisinta ng DOT sa pangunguna ni Tourism Secretary Christina Frasco ang P2.6 bilyong budget ng kanyang ahensya para sa susunod na taon.

Ito ay mas mababa kumpara sa P3.4 bilyong budget ng DOT ngayong 2023.

Sinabi ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera na pinalaki ang target ng DOT subalit binawasan ang budget nito.

“I’m concerned with the decrease of the budget of the DOT, especially since as mentioned, P3.5 million visitors—while, of course it’s higher than last year–but it’s still far away from, our 2019 and pre-pandemic levels of 8.6 million tourists. So from $3.85 billion, $9 billion pa ang hahabuling natin if we want to go to the pre-pandemic level,” sabi ni Herrera.

Ayon kay Herrera ang pagbawas ng budget ng ahensya ay “unwarranted.”

Hinimok naman ni Albay Rep. Edcel Lagman ang kanyang mga kapwa mambabatas na itaas ang budget ng DOT kahit na ipantay na lamang sa lebel nito ngayong taon.

“I am concluding my short intervention with the hope that, at the proper time, with the approval of the majority, we can increase the budget of the [DOT] if not to equal this current level (…) in recognition of its performance,” dagdag pa ni Lagman. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Face mask pwede na hubarin sa jeep, bus – DOTr

TELETABLOID

Follow Abante News on