WebClick Tracer

Sigaw ng mga netizen: Arci Muñoz walang ‘K’ maging Miss Universe Bahrain jury!

Samu’t sari ang hanash ng mga netizen mula nang ianunsyo ng Miss Universe Bahrain na isa si Arci Muñoz sa mga opisyal na jury nito.

Kinuwestyon ng ilan ang pagkakapili kay Arci dahil anila, wala naman daw nagawa ang aktres na talagang tumatak sa ‘Pinas.

Kaya naman marami ang nagtaka kung bakit siya nga raw ba ang napili kung wala naman siyang mabibidang accomplishment.

Heto ang ilan sa comment ng mga netizen tungkol sa pagkapili kay Arci na maging jury sa Miss U Bahrain.

“Lakas din talaga kapit ng manager ni Arci no? Wala rin naman siyang tumatak na project or anything accomplishment sa ph or outside the country pero may paganito sya. Bilib din ako.”

“Anyare sa Bahrain? Best nio na to, si Arci version 10.0?”

Pero ang aktres, mukhang dedma sa mga basher na ito. Sa isa nga niyang Instagram post, maraming nagbigay ng suporta sa kanya mula sa mga fans at kaibigan.

Tila mas nangingibabaw ang suporta ng nakararami sa milestone ng aktres kaya naman sobrang thankful si Arci sa magiging magandang experience na maging hurado sa sikat na beauty pageant. (Beverly Benig)

TELETABLOID

Follow Abante News on