WebClick Tracer

Series ni Andrea Brillantes, Kyle Echarri ipapalabas na sa Agosto 28

Ipapalabas na sa Agosto 28 ang series na ‘Senior High’, na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes at Kyle Echarri. Inilabas na rin ng DreamscapePH ang trailer para sa nasabing series.

“Sky at Luna, kambal na ibang iba! Sa Northford High makikilala nila ang isa’t isa, Magkaka-alaman na!” saad nito sa caption.

Bukod kay Andrea at Kyle, kasama rin sa nasabing series sina Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Daniela Stranner, Miggy Jimenez, Gela Atayde at Tommy Alejandrino.

Kasama rin sina Syvia Sanchez, Angel Aquino, Baron Geisler at Mon Confiado.

(CS)

See Related Story Here:

Andrea Brillantes super happy matapos mapansin ni Rose, namahagi ng pizza sa taping

TELETABLOID

Follow Abante News on