WebClick Tracer

Romualdez nakasungkit ng FAMAS award

Nakasungkit ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) award si Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Tinanggap ni Romualdez ang award sa 71st FAMAS Awards noong Linggo na ginanap sa Manila Hotel Fiesta Pavilion.

“This recognition is not just mine, but belongs to every Filipino whose hopes and dreams inspire and challenge us in the House of Representatives every day,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na ang award ay patunay ng kaniyang pagnanais na mapabuti ang kalagayan ng bansa at paalala para pagsilbihan ang interes ng mga Pilipino.

“I have always believed that our stories, whether told in the hallowed halls of Congress or the silver screen, are essential threads in the fabric of our nation,” sabi ni Romualdez. “Each story, each law, each scene, and each dialogue carries with it the weight of our shared aspirations and the heart of our beloved nation.”

Ayon kay Romualdez ang politika at entertainment industry ay parehong “powerful storytellers.”

“While one might craft laws and the other crafts stories, both aim to touch hearts and shape futures. Our films and TV shows do not just entertain; they reflect our culture, our values, our dreams, and sometimes, our very souls. They bring us laughter in times of joy, solace in moments of sorrow, and inspiration when hope seems lost,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi rin ni Romualdez na ang mga artista, direktor, manunulat at iba pang hindi nabibigyan ng pagkilala sa industriya ay “torchbearer” ng kultura at tagapagpaalala ng nakaraang, batayan ng kasalukuyan at gabay sa hinaharap.

“Let us remember that our roles, whether in public service or in the arts, are intertwined in our shared mission: to elevate the Filipino spirit, to dream bigger for our nation, and to weave tales of hope, resilience, and unity,” sabi pa ni Romualdez. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Romualdez, Tulfo sinilip presyo ng bigas, sibuyas sa palengke

TELETABLOID

Follow Abante News on