WebClick Tracer

Pura Luka Vega pinayuhan na mag-sorry na lang, magpakumbaba

Ngayong dumarami na ang mga lugar sa Pilipinas na nagdeklarang persona non grata kay Pura Luka Vega, panahon na raw siguro upang humingi ng paumanhin at magpakumbaba ang kontrobersiyal na drag artist.

Sa Facebook ay naglabas ng open letter para kay Vega ang British Pinoy at heart na si Malcolm Conlan.

Aniya, panahon na siguro upang humingi ng paumanhin ang drag artist dahil sa pambabastos sa napakahalagang dasal ng Simbahang Katoliko.

“You disrespected a very important prayer and hymn (the Lord’s Prayer) which is sung in Filipino in Catholic Churches throughout the world, by your style of dance and actions.

“Had you have sung it with reverence and respect, prayerfully, you would not be facing these sanctions,” lahad ni Conlan.

“With respect, maybe it’s time for a humble apology and prayerful reflection?” dagdag pa niya.

Sigurado raw si Conlan na kung hihingi ng paumanhin si Vega ay makakakuha ito ng kapatawaran o baka bawiin pa ang mga persona non grata declaration laban sa kanya.

“Of course you are free to perform as a drag artist and live your life as you choose, it’s up to you entirely, BUT when you court with controversy, you must then face the consequences, when it blows up in your face. Hope you understand and accept my sentiments and right to freedom of speech,” patuloy pa ni Conlan.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa pitong lugar sa bansa ang nagpataw ng persona non grata laban kay Vega.

Hindi na welcome si Vega sa Maynila; Bukidnon; Toboso, Negros Occidental; General Santos City; Floridablanca sa Pampanga; Cagayan de Oro at Laguna.

Ito’y dahil pa rin sa kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance niya noong July 10, 2023. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on