WebClick Tracer

PPA tumaas ang kita dahil sa transparency, hindi waldas sa pera

Masayang ibinalita ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na simula nang siya’y manungkulan sa ahensya mula sa panahon ng administrasyong Duterte taong 2016 hanggang ngayon kay Pangulong Bongbong Marcos ay naitala nila ang pinakamalaking dibidendo.

Aniya, sa loob ito ng pitong taon na P26 bilyon kumpara sa P21 bilyon mula 1986 hanggang 2015.

“Year-on-year po nagiging maganda po ‘yong increase po ng revenues po at saka ng performance po ng Philippine Ports Authority. Year on year po easily nasa 7 to 10 % po ang ini-increase po ng revenue natin,” lahad ni Santiago sa isang panayam.

Ilan sa dahilan nito aniya ang transparency sa ahensya at wais na paggastos.

“Unang-una po ‘yon pong ano natin diyan ay ‘yong transparency at talaga pong ginagamit po nating batayan po ng ating pamamalakad. Pangalawa po ‘yong mahusay at responsableng fiscal management. Hindi po natin pinababayaan ‘yon pong pagwawaldas ng asset, ng kita po ng ahensya. Sinisigurado po natin ‘yon pong pinagkakagastusan ‘yon lamang pong tama,” saad pa ng opisyal.

Dagdag pa ni GM Santiago, inuuna rin nila ang lahat ng kanilang empleyado.

“I-adjust na po natin ang mga benepisyo po ng empleyado po ng PPA. Sa matagal pong panahon naghintay po ‘yan ng adjustment at pag-improve po ng kanilang mga benepisyo at simula 2016 hanggang po diyan sa kasalukuyang taon, unti-unti po natin ‘yan sa tulong po ng mga kawani po natin sa PPA na ma-improve po ‘yan, na tayo po ay naaprubahan naman na po ng Governance Commission for GOCC ‘yon pong CPCS na maiangat na po ‘yong kalagayan ng mga empleyado po natin sa PPA,” aniya pa.

Sinisiguro rin aniya nila na hindi nangyayari ang mga hindi naman kailangan na paggastos.

“Sinisigurado po natin na ‘yong mga unnecessary expenses ay hindi po nangyayari. In fact, sa atin pong panunungkulan, ‘yon pong mga bilang ng head of agency po entitled po sana tayo na mag-budget nung confidential at saka intelligence funds, napag-uusapan ‘yan sa PPA po, tinanggal ko na po ‘yan, hindi na po tayo kumuha nung confidential and intelligence funds, tinanggal po natin sa budget ‘yan,” wika pa niya.

Kabilang din aniya sa tinanggal sa ahensya upang maiwasan ang hindi naman kinakailangang paggastos ay ang representation expenses ng mga senior management at personally assigned vehicles.

“Saka ‘yon pong mga representation expenses po ng mga senior management po, tinanggal na po natin ‘yan pati po ‘yong personally assigned vehicles, tinanggal na din po natin ‘yan kasi po makikita po natin sa mga nakaraang taon at sa ibang ahensya patuloy pa rin naman po ‘yong mga practices po pero tayo po tinanggal na po natin ‘yan.” (IS)

See Related Story Here:

PPA namigay ng lugaw sa mga stranded na pasahero sa TMO Pasig

TELETABLOID

Follow Abante News on