WebClick Tracer

Poe sa BIR, PAGCOR: Habulin P2.2-B utang ng POGO

Dapat gumawa ng paraan ang Bureau of Internal revenue (BIR) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para habulin ang P2.2 bilyong utang ng isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) licensee na nagsara noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic

“The BIR in coordination with PAGCOR should make every effort to collect the P2.2 billion dues from the POGO firm that closed shop and disappeared,” pahayag ni Senadora Grace Poe.

“Hindi lang sila nagdadala ng gulo, nagnanakaw pa sa kaban ng bayan,” dagdag pa niya.

Ayon kay Poe, lehitimong company umano ang ang naturang POGO, dapat maghanap ang PAGCOR na paraan na mahanap ang mga ito at pagbayarin sa kanilang pagkakautang.

“There are those who argued on the financial benefits of keeping POGOs in the country and yet we have a staggering 2.2 billion in unpaid taxes. We hope the administration will also finally put its foot down on the existence of POGOs in the country,” saad ni Poe.

“If the government can’t make POGOs strictly comply with the laws and regulations, then they must go,” saad pa niya.

Nauna nang sinabi ni PAGCOR chief Alejandro Tengco na hindi na umano mahanap ang mga opisyal ng naturang licensee na pawang mga dayuhan at wala na sa Pilipinas.

Ani Tengco, nakapag-operate umano ang naturang licensee ng walong buwan sa bansa. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Grace Poe dadalo sa kasal ni Lovi sa Europe

TELETABLOID

Follow Abante News on