WebClick Tracer

PH Consulate team pa-Hawaii para tulungan mga Pinoy na apektado ng wildfire

Isang team ang ipinadala ng Philippine Consulate sa Lahaina, Maui, Hawaii upang tulungan ang mga Pilipino na apektado ng wildfire.

Sa deliberasyon ng budget ngayong Martes, humingi si ACT Teachers party-list Rep. France Castro ng update sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng wildfire sa Maui.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na 99 na ang napaulat na namatay subalit hindi pa umano ipinapaalam ng otoridad ng Hawaii ang nationality ng mga ito.

“However in Maui 17% of the population are Filipinos or Filipino-Americans so we have to accept the possibility that eventually when they identify bodies there will be some Filipinos or at least Filipino-Americans,” sabi ni de Vega.

Ayon kay de Vega darating ang consulate team sa Martes, oras sa Hawaii.

“Our consulate is sending a team now…. to provide consular assistance to our distressed Filipino nationals, we have to emphasize Filipino citizens primarily as for those who are Filipino-Americans technically we can’t use our Assistance to Nationals Fund for foreigners but we can certainly, as a country its being opposed but our consulate every time there is a natural disaster our country provides relief goods or donations so that’s one possibility,” sabi ni de Vega.

Sinabi ni de Vega na maaaring tawagan ang konsulado ng Hawaii”so that yung mga kamag-anak dito who lost contact with their kamag-anak in Maui would be able to inform us so that we could locate them, search for them.”

Kasama umano sa populasyon ng mga Pilipino sa Maui ang 50 guro subalit hindi pa umano kumpirmado kung ilan sa mga ito ang nasa Lahaina.

“If they need repatriation of course we will fund their repatriation kasi Hawaii government estimates that it will take a year or two to economically recover that area at least,” dagdag pa ni de Vega. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on