WebClick Tracer

Peru, Ethiopia may bagong ambassador sa Pilipinas

Nagtalaga ng mga bagong ambassador sa Pilipinas ang bansang Peru at Ethiopia.

Sa ginanap na seremonya sa Malacañang, magkasunod na nagpresenta ng credentials sina Ambassador-designate Cecilia Zunilda Galarreta Bazan, Non-Resident Ambassador -Designate ng Republic of Peru sa Pilipinas, at Dessie Dalkie Dokamo, Non-Resident Ambassador-Designate of the Federal Democratic Republic of Ethiopia to the Philippines.

Ipinaabot ni Ambassador Bazan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hangarin ng kanyang gobyerno na makadalo ito sa gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader’s Meeting sa November 2024, kasama ang delegasyon nito.

Si Bazan ay naka-base sa Thailand bilang isa sa mga bansang ikinakatawan ng kanyang. Bansa.

Tiniyak naman ni Ambassador Dokamo na mas paiigtingin pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Ethiopia at makipagtulungan para sa interes at pag-unlad ng dalawang bansa. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on