WebClick Tracer

PBBM nababagalan sa paggastos ng DOLE, DSWD para sa mga serbisyo ng gobyerno

Nababagalan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggastos ng ilang ahensya ng gobyerno para sa mga programa at serbisyo.

Tinalakay sa ipinatawag na sectoral meeting ng Pangulo sa Malacañang ang underspending o mabagal na paggastos ng ilang mga ahensya ng pamahalaan kaya iniutos na gamitin ang pondo para sa mga dapat magastusang mga programa at proyekto.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi nina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hiningan sila ng catch up plan ng Pangulo upang maiwasan ang underspending.

Inatasan ang dalawang kalihim na ibaba ang mga serbisyo lalo na ang para sa mga social protection program.

Sinabi ni Laguesma na inaasahang paiigtingin ang mga mamalaking proyekto ng ahensya gaya ng TUPAD program, pagbibigay ng tulong sa marginalized sector at programang trabaho para sa mga kabataan.

Sinabi naman ni Gatchalian na binabalanse nila ang paggamit ng pondo upang masigurong magamit sa tamang intensyon ang programa at maiwasang maling tao ang makatanggap ng ayuda gaya ng 4Ps o pantawid pamilyang Pilipino program. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Infra development ng Marcos administration lilikha ng 3M trabaho – DPWH

TELETABLOID

Follow Abante News on