WebClick Tracer

Panukalang pagbabago sa MUP pension bill umusad sa Kamara

Inaprubahan ng Ad Hoc Committee on the Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System ang substitute bill para sa panukalang pagbabago sa pension system ng mga retiradong sundalo at iba pang unipormadong tauhan ng gobyerno.

Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mabilis na aksyon ng Ad hoc committee na inatasan na plantsahin ang panukala upang matiyak na mapopondohan ang pensyon ng mga MUP kahit na magpalit ng administrasyon.

“Salamat sa House Ad Hoc Committee, makakatulog na nang mahimbing ang mga military at uniformed personnel natin gayundin ang kanilang mga pamilya. Sigurado nang mababayaran ang lahat ng pensyon nila, may dagdag pa silang suweldo taun-taon,” sabi ni Romualdez.

Sa ilalim ng panukala, makatatanggap ang mga MUP hindi nakapagserbisyo ng hindi hihigit sa 20 taon ng retirement package na kasing laki ng 90% ng kanilang base pay at longevity pay.

Itinatakda rin sa panukala na ang retirement age ng MUP ay 57.

Mayroon din itong probisyon na magtataas sa sahod ng mga MUP ng 3% kada taon sa loob ng 10 taon.

Dalawang pension management system din ang itatayo—isa para sa Armed Forces of the Philippines at isa para sa ba pang unipormadong tauhan ng gobyerno.

Madaragdagan din ang pensyon ng mga retiradong MUP kapag tumaas ang sahod ng mga aktibong MUP. Ang halaga ng pagtaas ay 50% ng itinaas ng suweldo ng kanilang katulad na ranggo. Ang ranggo ng MUP ay itinataas ng isa sa panahon ng kanilang pagreretiro.

Magkakaroon na rin ng kontribusyon ang mga MUP sa pension fund na unti-unting itataas—5% ng kanilang suweldo sa unang tatlong, 7% sa susunod na tatlong taon at ipapako sa 9%. Ang mga bagong pasok na MUP ay magbibigay naman ng 9% kontribusyon. Ang gobyerno naman ang pupuno para makompleto ang 21% kontribusyon ng mga ito.

“With this reform, we’re not only prioritizing the well-being of our MUP but also ensuring the country’s economic stability. It is a testament to our commitment to national security and fiscal responsibility. I congratulate the Ad Hoc Committee for their hard work and dedication towards this pressing issue,” dagdag pa ni Romualdez. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on