WebClick Tracer

Pagpasok ng Afghan refugees sa Pilipinas, nakabitin pa

Hindi pa nakapagpasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isyu ng mga refugee mula sa Afghanistan kung papayagang pumasok ang mga ito sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, wala pang desisyon ang Presidente hinggil sa nabanggit na isyu.

“No decision yet,” anang maiksing tugon ni Garafil sa isang viber message bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag.

Matatandaang marami ang kumontra sa kahilingan ng United States Government na papasukin sa bansa ang Afghan refugees na nagsilbi sa kanilang mga kampo at proyekto sa Afghanistan upang maproseso bago maisyuhan ng special immigration visas ng Amerika.

Maraming mambabatas ang kumontra dahil sa pangambang mapasukan ng mga terorista ang mga ipapadala sa bansa at sa Pilipinas naman maghasik ng terorismo ang mga Taliban. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on