WebClick Tracer

Paglalaro ni Kai Sotto sa FIBA World Cup, kasado na

Kasado na ang paglalaro ni Kai Sotto sa paparating na FIBA World Cup. Ang magandang balita ay inanunsyo ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio.

“Our doctors met the doctors of Kai, and they’ve cleared him,”

“He’s been cleared to play and again, we’re looking forward to seeing him play also in the friendlies to get ready, for everybody to get ready when the games start on the 25th,” dagdag pa nito.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa World Cup laban sa Dominican Republic sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Si Sotto at Jordan Clarkson ang inaasahang mangunguna sa opensiba ng Gilas. Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (CS)

See Related Story Here:

Kung pumalya sa NBA: Kai Sotto mamaw ‘pag nag-PBA – Asi Taulava

TELETABLOID

Follow Abante News on