WebClick Tracer

Northern, Central Luzon patuloy na makakaranas ng mainit na panahon

Patuloy na makakaranas ng heat index na 42 hanggang 51 degrees Celsius ang Metro Manila, Northern at Central Luzon, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“May mga matataas po na temperatura na na-obserba nitong nakaraan, actually nagsimula ito last week. May mga about nasa danger level, particularly sa Luzon,” ayon kay Dr. Marcelino Villafuerte II.

Ang posible umanong epekto ng “danger level” na heat index ay heat cramps, exhaustion at stroke.

Noong Lunes, Agosto 14, nabanggit nito na ang Casiguran, Aurora ay nakapagtala ng pinakamataas na heat index, 60 degrees Celsius, na nasa ilalim ng ‘extreme danger’ level.

(CS)

See Related Story Here:

Mas mainit na panahon mararamdaman sa Mayo

TELETABLOID

Follow Abante News on