WebClick Tracer

Mga nasawi sa Hawaii wildfire, hirap matukoy – DFA

DFA

Nahihirapan pa rin ang mga awtoridad sa Hawaii na matukoy ang pagkakakilanlan at nasyonalidad ng 99 na naitalang nasawi sa wildfire sa Maui, Hawaii.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes na tatlong porsiyento pa lamang ng mga nasunugan ang na-cover ng search and rescue operations ng gobyerno ng Amerika.

Lubhang nahihirapan aniya ng mga otoridad sa pagtukoy sa mga nasawi kaya ibabase nila ang pagkilala sa pamamagitan ng DNA samples na isusumite ng mga naghahanap ng kanilang mga kamag-anak.

“Talagang napakahirap ho. Ang ginawa ng Red Cross offices po doon ay they asked tose na may nawawalang mga kamag-anak to submit their DNA kasi hindi rin pa na-identify ‘yung siyamnapu’t siyam na nakita nilang fatalities,” ani Cortes.

Hindi pa masabi ng DFA kung ilang mga Pilipino ang naapektuhan sa wildfire sa Maui, subalit tiniyak ni Cortes na tinutulungan na ang mga Pinoy na pansamantalang nanunuluyan sa mga shelter o evacuation centers.

Sinabi ni Cortes na nagsisimula pa lamang ang search and rescue operations sa Lahaina kung saan nasentro ang wildfire kaya mag-aabang ang Philippine Consulate sa Honolulu ng mga update sa Hawaii State Emergency. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on