WebClick Tracer

Mark Herras lumaki sa mga beki

Inamin ng StarStruck Season 1 winner na si Mark Herras na lumaki siya sa mga adoptive parent niyang gay.

Sey ni Mark sa “Fast Talk With Boy Abunda”, bata pa lamang ay naiintindihan na niya ang sitwasyon ng kanyang pamilya, at hindi kailanman naisip na dapat ay lumaki siya sa mag-asawang lalaki at babae.

Wala naman daw pinagkaiba sa iba ang pagmamahalan ng kanyang uncle na si Tito Hermie sa partner nitong si Daddy Jun.

“Sabi ko nga suwerte ako, kasi I have, parang daddy ko then I have my tito, tapos I have my mom, tapos my real dad. Ang dami kong magulang,” ani Mark.

“I’m thankful for them kasi feeling ko hindi akong ganitong klaseng tao or nasa position ko ngayon kung hindi dahil sa kanila,” dagdag pa niya.

Ngayon nga raw na may sarili na siyang pamilya ay tinuruan siya ng kanyang Daddy Jun at Tito Hermie kung paanong maging ama.

Ikinasal si Mark kay Nicole Donesa noong September 2021, at may isa na silang anak na si Mark Fernando o Baby Corky. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on