WebClick Tracer

Marian Rivera flinex si Dingdong Dantes: ‘Salamat Lord’

Sunod-sunod na ang pag-upload ni Marian Rivera sa TikTok at isa rito ang pag-flex niya sa kaniyang asawa na si Dingdong Dantes.

Sa TikTok video ni Marian, makikita si Dingdong na naka-upo lang at tila naguguluhan pa. Ngunit nang marinig ni Dingdong ang “Lord nahanap ko na Lord, Lord yung mapapangasawa ko Lord ayan sa harap ko Lord,” ay mabilis itong napatayo at natawa.

“Salamat Lord credits sa mga ari ng sound na ito panalo!” sey ni Marian.

@marianrivera

Salamat Lord 🙏🏻 credits sa mga ari ng sound na ito panalo! 🤣

♬ original sound – MarianRivera


Natuwa naman ang netizens sa pagiging active ni Marian sa TikTok.

“Nag e-enjoy na si Marian sa TikTok ah”

“MARIAN RIVERA TIKTOK ERA. We love to see our gorgeous, funny and dancing queen!”

“very active si marimar sa tiktok ngayon”

(CS)

See Related Story Here:

Lambingan ni Marian Rivera, Dingdong Dantes pinakilig ang netizens

TELETABLOID

Follow Abante News on