WebClick Tracer

JV Ejercito kay Tiglao: Ituwid maling impormasyon sa BRP Sierra Madre

Dapat umanong itama ni dating presidential spokesperson Rigoberto “Bobby” Tiglao ang mga maling impormasyon na kanyang isinulat patungkol sa pananatili ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“Mr. Tiglao’s column is patently inaccurate and distorts the reality of President Estrada’s decisive actions against Chinese aggression,” sabi ni Ejercito sa isang statement.

“It is, thus, imperative that Mr. Tiglao’s column be rectified to accurately reflect actual historical events,” dagdag niya.

Sa kolumn ni Tiglao noong Lunes, Agosto 2023 sa The Manila Times, sinabi nitong ipinangako ni dating Pangulong Joseph ‘Erap” Estrada ang pag-alis BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal in 1999.

Nauna nang sinabi ng gobyerno ng China na may ‘standing commitment’ ang pamahalaan ng Pilipinas para tanggalin ang naturang barko sa Ayungin shoal. Sabi ng Ministry of Foreign affairs, maraming beses na nangako ang Pilipinas na alisin ang barko subalit hindi naman ito nangyari.

Sabi ni Ejercito, ang kanyang ama ang nag-utos noon na panatilihin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal bilang panakot sa pananakop ng Chinese sa Mischief Reef.

“Instead of decommissioning the ship, President Erap acted on the recommendation of the Department of National Defense (DND) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) and deliberately grounded the BRP Sierra Madre on Ayungin Shoal to establish a temporary base for the Philippine military in the area and assert our territorial rights,” punto ni Ejercito.

“Until recent years, there were no reported issues between the Philippines and China regarding this matter. It’s only now that the Chinese government is asserting their ownership over that area,” saad pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on