WebClick Tracer

Jinggoy kay Tiglao: Stupid, g*go ka!

Kinastigo ni Senador Jinggoy Estrada si dating Presidential Spokesperson Rigoberto Tiglao kaugnay ng kolum na nagsasabing nangako si dating Pangulong Joseph Estrada na tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sabi ng senador, kasinungalingan ang sinabi ni Tigalo dahil mapapatunayan na sa panahon ng ama bilang presidente ng bansa, lalong pinagtibay ang paglaban ng Pilipinas sa pananakop ng China.

Aniya, binase lang ni Tiglao ang kanyang claim sa 2022 book of Gregory Poling, isang analyst na nagpapakadalubhasa sa Southeast Asian political and security issues.

“How can we consider a passage in a book that claims former President Estrada vowed to remove BRP Sierra Madre from Ayungin Shoal at the request of the Chinese government, as unquestionable truth?” tanong ni Jinggoy.

“It was made verbally, allegedly, to who? Can you name names, Mr. Tiglao? Stupid!” dagdag pa niya.

“I am quite certain that my father made no such agreement even verbally to anyone, to any Chinese official during his incumbency,” sambit pa ng senador.

Sabi pa ni Jinggoy, kanya rin umanong bineripika kay dating Senador Orly Mercado, dating defense secretary at sinabing walang ipinangako noon ang kanyang ama sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

“And if indeed there was such an arrangement, how come there was relative “peace” in the West Philippine Sea during the Arroyo administration that spanned nine years? The Arroyo administration was conspicuously ‘silent’ in asserting our sovereign rights over issues concerning the West Philippine Sea. Gago ka!” ayon kay Jinggoy.

Sabi pa ng senador, hindi niya lubos maisip kung bakit kailangang magpakalat ng ganitong kasinungalingan kung kailan paulit-ulit ang ginagawang pambu-bully ng China sa Pilipinas.

“Maliban na lamang kung isa siyang Makapili, traydor ng bayan,” patutsada ni Jinggoy.

“Ang katagang binitawan ng batikang aktor na si John Arcilla sa kanyang pagganap sa pelikula bilang si Heneral Luna ay tila nababagay kay Mr. Tiglao: ang sabi nya “May mas malaki tayong kalaban…ang ating sarili”, saad pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on