WebClick Tracer

Jay Sonza arestado sa kasong estafa, syndicated and large scale illegal recruitment

Nakakulong ngayon sa QC jail facility sa Payatas, Quezon City ang dating newscaster na si Jay Sonza.

Kinumpirma ito ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jayrex Bustinera sa ABS-CBN.

Inaresto si Sonza matapos madiskubreng may aktibong warrant of arrest laban sa kanya dahil sa mga kasong estafa at syndicated and large scale illegal recruitment.

Ito’y matapos dakipin si Sonza ng Bureau of Immigration dalawang linggo na ang nakaraan habang pasakay sana ng isang flight patungong Hong Kong.

Inilipat siya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation hanggang sa iturn-over siya sa BJMP. (IS)

See Related Story Here:

Tatay ni Jay R, pumanaw na

TELETABLOID

Follow Abante News on