WebClick Tracer

James Harden binanatan ang president ng 76ers

Hindi nagustuhan ni James Harden ang naging desisyon ng Philadelphia 76ers at binanatan nito ang president ng koponan na si Daryl Morey.

Sa isang event sa China, tinawag nito na “liar” si Morey.

“Daryl Morey is a liar and I will never be a part of an organization that he’s a part of,”

Hindi lang isang beses na tinawag ni Harden na “liar” si Morey at nilinaw pa ito.

“Let me say that again: Daryl Morey is a liar and I will never be a part of an organization that he’s a part of.”

Matatandaang kamakailan lang ay tinapos na ng 76ers ang pakikipagusap sa ibang koponan at balak ibalik si Harden sa training camp para sa paparating na season.

“The 76ers have ended trade talks on guard James Harden and plan to bring him back to training camp for start of the season.” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Naniniwala umano ang nasabing koponan na kaya nilang lumaban sa kampeonato kung ibabalik si Harden, kasama ang big man na si Joel Embiid.

May average si Harden noong nakaraang season na 21.0 puntos, 6.1 rebounds at league-leading na 10.7 assists. (CS)

See Related Story Here:

76ers ayaw ipamigay si James Harden

TELETABLOID

Follow Abante News on