WebClick Tracer

House Ethics magsusumite ng bagong rekomendasyon laban kay Teves

Magsusumite ang House Committee on Ethics and Privileges ng bagong rekomendasyon sa Kamara de Representantes sa Agosto 16 kaugnay ng kaso ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na hindi bumalik sa bansa kahit expired na ang travel authority na ibinigay dito.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco isa sa ikinonsidera ng komite ang terror tag kay Teves subalit hindi umano ito ang pangunahing rason sa desisyon ng Ethics panel.

“They (House panel) already have a recommendation, and the plenary will act on it by Wednesday. I am not authorized to reveal anything, but you can wait until tomorrow,” sabi ni Velasco.

Nauna rito, pinagtibay ng Kamara ang rekomendasyon ng Ethics committee na suspendihin si Teves ng 60 taon—una noong Marso, at ikalawa noong Mayo.

Si Teves ay iniuugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Mariin niya itong itinatanggi.

Sinabi ni Teves na mayroong banta sa kanyang buhay kaya hindi ito umuuwi sa bansa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on