WebClick Tracer

GM Santiago pinu-push online ticketing sa PPA

Umaasa si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na sa lalong madaling panahon ay maayos na ang online ticketing na kanilang itinutulak sa ahensya.

Ani Santiago, nagiging problema kasi nila ito tuwing peak season o holiday.

Mayroon na raw silang nasimulan na online portal para sa pagbo-book ng ticket ngunit nagkaroon lang ng pagkaantala dahil nang magpalit ng administrasyon ay napagdesisyunan ng bagong PPA board na rebyuhin ang polisiya.

“Na-hold po ‘yung programa at everytime nga po na mayroong bottleneck sa mga terminal po natin halimbawa ‘pag Pasko, Holy Week or pasukan po ano, talaga pong nakikita natin ‘yung paghihirap ng ating mga kababayan sa pagbo-book ng mga ticket nila at sana nga po sa lalong madaling panahon ay maayos na ‘yung online ticketing na iyan na aming pinu-push po sa PPA,” lahad niya sa isang panayam. (IS)

See Related Story Here:

Mahigit 500 daungan natapos ng PPA sa loob ng 7 taon

TELETABLOID

Follow Abante News on