WebClick Tracer

DOLE tutulungan manggagawang naapektuhan ng suspensiyon ng Manila Bay reclamation projects

Nakahanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho sa sinuspindeng reclamation projects sa Manila Bay.

Ito ang inihayag ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa ambush interview sa Malacanang nitong Martes ng umaga.

Ayon sa kalihim, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na report ng mga naapektuhang manggagawa pero nakahanda aniya ang kanyang tanggapan para alalaya ang mga ito.

“Wala akong natatanggap na report na may naapektuhang manggagawa, but in any case kung meron, we are prepared to assist them kung sila ay na-displaced,” ani Laguesma.

Marami anyang paraan para matulungan ang mga apektdong manggagawa at maari silang hanapan ng ibang mapasukan mula sa ibang mg kumpanya.

Bagamat maraming bentahe at benepisyo ang reclamation projects, mayroon din namang epekto ito sa kapaligiran at ecology na nagdudulot ng matinding baha at ipa pang pinsala sa kapaligiran.

Tinitingnan aniyang mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. kung ano ang mga dapat gawin sa mga naka-pending na reclamation sa Manila Bay.

“While it can cause some benefits, some advantages, meron din siyang mga epekto sa environment, sa ating ecology and sa mga bahang nangyayari so tinitingnang mabuti ng Pangulo kung ano ang dapat gawin sa mga naka-pending na reclamation,” dagdag ni Laguesma.

Kabuuang 22 reclamation projects ang sinusinde ng Pangulo at iniutos na muling pag-aralan ang mga ito upang matukoy kung nakatugon ba ang mga ito sa mga panuntunan at polisiya sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

P1B inilaan ng gobyerno para sa Manila Bay rehab

TELETABLOID

Follow Abante News on