WebClick Tracer

DFA walang makitang ebidensya na pumayag ‘Pinas na alisin BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Wala umanong ebidensyang nahanap ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng sinasabi ng China na mayroon itong kasunduan sa Pilipinas kaugnay ng pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa deliberasyon ng budget, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na walang ganitong rekord ng gobyerno ng Pilipinas.

“It was claimed but we have no record of such an agreement. We have asked them to give us a copy or any written copy of an agreement but they have never given us any copy,” sabi ni Manalo.

“If there is no clear indication that such an agreement, then we can assume that there is no such agreement that exists,” dagdag pa ng kalihim.

Nauna nang sinabi ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na nangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre, ang barko na sadyang pinasadsad sa Ayungin Shoal at ginawang istasyon ng mga sundalo bilang bahagi ng pagbabantay sa teritoryo ng bansa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on