WebClick Tracer

COVID test hindi na kailangan sa mga 2023 Bar examinee

Inanunsyo ng Korte Suprema nitong Martes na hindi na kinakailangan ng mga 2023 Bar examinee na magpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 test.

“Examinees are not required to present negative RT-PCR or antigen test results as a prerequisite for entry into their LTC,” pahayag ng Office of the 2023 Bar Chair.

Sa kabila nito, hinikayat ang mga kukuha ng pagsusulit na maging fully vaccinated laban sa COVID-19.

Samantala, ang mga kukuha naman ng Bar exams na may sintomas ng COVID sa panahon ng eksaminasyon ay susuriin ng medical staff.

Ang mga examinee ay maaaring ilagay sa mga isolated testing room, kung saan sila ay papayagang magpatuloy sa pagkuha ng pagsusulit.

Isasagawa ang 2023 Bar exams sa Setyembre. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on