WebClick Tracer

Bride ikinasal sa naging partner niya noon sa daycare

From daycare to forever ang love story ng isang bagong kasal sa Negros Occidental.

Naging mag-partner kasi sina Kim Sibunga at Peter Arroz sa daycare noong 5-anyos pa lamang sila.

Ayon kay Kim, nagkahiwalay sila ng landas nang lumipat ang kanilang pamilya sa Laguna nang maka-graduate siya ng daycare at 13 taon silang hindi nagkita ni Peter.

Nang bumalik sila sa Negros Occidental ay 18-anyos na si Kim at muli silang nagkita ni Peter.

Dito’y naalala ng ina ni Kim na naging escort niya si Peter noong mga bata pa sila.

“Simula po noon tumatawag at chat na po siya sa akin hanggang sa umabot po ng 7 years ang pagsasama namin masasabi ko pong ‘full package’ na siya ni Lord sa akin. Hanggang sa plinano po naming magpakasal noong August 8, 2023 po,” kuwento ni Kim. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on