WebClick Tracer

Bato may solusyon sa utang ng Pilipinas: Mag-anak pa kayo!

May naisip na solusyon si Senador Ronald “Bato” dela Rosa para mabilis na mabayaran ang utang ng Pilipinas – ang mag-anak pa ng marami ang mga Pilipino.

Ayon kay Dela Rosa, kapag lumaki pa umano ang populasyon ng bansa, mas marami ang maghahati-hati sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas.

“Sabi nila, kawawa tayo dahil hindi pa ipinapanganak ang apo ko meron nang ganitong utang kasi ang per capital ng debt natin ganito na pala kalaki,” pahayag ni Dela Rosa sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senate Finance Committee.

“Maganda siguro kung magkaroon ng maraming anak para lumaki ang population, pag lumaki ang populasyon, mas maraming maghahati-hati sa utang mas mababa ang per capita utang natin… the bigger the population mas maraming maghahati-hati sa utang,” dagdag pa niya.

Tinanong pa ni Dela Rosa ang mga economic manager ng pamahalaan na kung okay lang sabihin sa mga Pilipino na hindi dapat mag-panic ang mga Pinoy kahit na umabot na P13.70 trilyon ang kasalukuyang ng bansa.

“Tama ba na sabihin sa mga Pilipino ngayon na pagdating sa national debt natin, don’t panic? Walang problema, kaya natin ito, is that okay?” tanong ng senador.

Sagot naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno, reasonable at manageable naman umano ang kasalukuyang utang ng bansa.

“Pinaliwanag nga po ng treasurer natin, the way we borrow money may long term yun at saka fix ho ang ang interest rate, na pag tumaas ang ekonomiya tumataas ang interesta, di po ganoon ang pangunutang natin,” ani Diokno.

“The way to look at the budget is, sabi ko nga yung deficit pinababa nga natin, magiging 3% but if you notice on the composition of the budget, you mostly investment. We are committed to invest 5 to 6% of GDP for infrastructure, napakamalaking bagay po yan, tuloy pong lalago ang ekonomiya, so makikibang lalo ang mga mahihirap,” dagdag pa ng kalihim. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Bato napamura sa Senate hearing

TELETABLOID

Follow Abante News on