WebClick Tracer

Aso nagpalamig, nagpahinga sa mall

Naghatid ng good vibes sa mga netizen ang isang aso na naispatan na nagpapalamig at nagpapahinga sa mall.

Makikita sa video na feel na feel ng aso ang kaniyang pagkakahiga at hindi rin ito nanggugulo sa mall.

Matapos lang ang ilang segundo, maingat na rin siyang pinalabas ng isang guwardiya. Hindi naman lumaban ang aso at sumama rin ito sa guwardiya.

Sinaluduhan naman ng mga netizen ang pagiging mabait ng guwardiya sa nasabing aso:

“Thank you Mr. Guard for being so kind and treating our furfriends well”

“Such a kind hearted person, the guard! I commend the mall too.”

“Thank you guards for being so kind to doggie.”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on