WebClick Tracer

Villafuerte inasar alok na bilateral talks ng China sa WPS issue

Inasar ni National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang alok ng China na magsagawa ng bilateral dialogue upang mapahupa ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Villafuerte na isa lamang “obfuscatory” tactic ang ginagawa ng China upang matabunan ang ginawang paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na magdadala ng supply sa mga sundalong naka-istasyon sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“Fresh diplomatic talks that Beijing wants to initiate following its CCG’s latest incursive action against our (Philippine) Coast Guard on a resupply mission will certainly go nowhere, as the Chinese are likely to make capital of such futile negotiations, in case we fall for it, to advance before the world their latest spurious claim that we have long committed to remove BRP Sierra Madre from Ayungin Shoal,” sabi ni Villafuerte.

Binalewala rin ni Villafuerte ang sinasabi ng China na nangako ang Pilipinas na aalisin na ang BRP Sierra Madre na sadyang pinasadsad sa Ayungin Shoal noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

“Subsequent developments after the Aug. 2 water cannon attack at Ayungin Shoal indicate that nobody from our side has any inkling as what the Chinese are talking about with regard to sending home BRP Sierra Madre,” sabi ni Villafuerte. “And if there is any proof that the Chinese claim is hogwash, nobody on their side, after being challenged by Filipino officials, could say when such a supposed commitment to remove our military outpost was made and who among our previous negotiators had made such a promise to them.”

Sinabi Villafuerte na maging si dating Sen. Orlando Mercado, na siyang defense secretary ng sadyang isadsad ang BRP Sierra Madre ay walang alam sa sinasabing pangako ng Pilipinas sa China na aalisin ang barko.

At kung totoo man na mayroong nangako, sinabi ni Villafuerte na balewala na rin ito dahil sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na babawiin niya ito kung totoo man na may pangakong ginawa.

“The best option for the government to best check Chinese incursions into the WPS is still to go ahead on our stepped-up efforts to strengthen in the long term our maritime defense through the fast-track modernization of our Armed Forces, and, in the short term, to accelerate joint patrols with the US and possibly with our other allies,” dagdag pa ni Villafuerte.

Itinutulak din ni Villafuerte ang pagsasagawa ng joint maritime patrol sa WPS ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at mga kaalyado nito. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on