WebClick Tracer

USA pinatumba ang Spain, Jalen Brunson nagpabibo

Pinabagsak ng Team USA ang Spain sa isang tune-up game, 98-88.


Nanguna sa panalo ang guard ng USA na si Jalen Brunson, nakapagtala ito ng 21 puntos. Bukod kay Brunson, nagpasikat din ang big man ng koponan na si Jaren Jackson Jr., na nakapagtala ng 14 puntos, limang rebounds at tatlong blocks.

Kamakailan lang ay pinatumba naman ng USA ang Puerto Rico sa isang ding tune-up game, 117-74. Nanguna para sa USA si Anthony Edwards at Cameron Johnson na nakapagtala ng 15 puntos habang si Mikal Bridges ay mayroong 14 puntos.

Ang mga nasabing tune-up game ay paghahanda ng koponan para sa paparating na FIBA World Cup. Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (CS)

See Related Story Here:

Team USA tinambakan ang Puerto Rico

TELETABLOID

Follow Abante News on