WebClick Tracer

Toni Fowler nagregalo ng kotse sa kapwa vlogger

Toni Fowler nagregalo ng kotse sa kapwa vlogger

Niregaluhan ni Toni Fowler ng brand-new car ang kapwa niya vlogger na nag-celebrate ng 18th birthday kamakailan.

Napayakap nang mahigpit kay Fowler si Paye Galang nang makita ang regalo sa kanyang Mommy Oni.

Sey ni Galang, hindi niya expected na bibigyan siya ng sasakyan ni Fowler. Akala raw niya ay iPhone lamang ang regalo nito sa kanya.

“Walang hanggang pasasalamat nakilala kita napaka sarap mo mag mahal mommy, hindi man tayo mag ka dugo pero ramdam na ramdam ko na hindi ako mawawalan ng kakampi sa mundo dahil nandyan ka,” ani Galang.

“Salamat sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal na pinaparanas mo saken para lang maging buo ako. Mahal na mahal kita mommy salamat dumating ka sa buhay ko,” dagdag pa niya. (IS)

See Related Story Here:

Toni Gonzaga isinilang na ang second baby

TELETABLOID

Follow Abante News on