WebClick Tracer

Tacko Fall pass sa NBA, muling maglalaro sa China

Hindi pa rin masisilayan sa NBA ang 7’6 center na si Tacko Fall matapos nitong muling pumirma ng kontrata upang maglaro sa China.

Ang nasabing center ay maglalaro sa Nanjing Monkey Kings.

“7’6 Tacko Fall is signing a new deal to return to China to play for the Nanjing Monkey Kings,” ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium.

Huling naglaro si Fall sa Summer League team ng Milwaukee Bucks. Si Fall ay nakapaglaro na para sa Boston Celtics at Cleveland Cavaliers ngunit hindi rin ito nagtagal. (CS)

See Related Story Here:

Si Gordon ang hari sa slam dunk – mga player

TELETABLOID

Follow Abante News on