WebClick Tracer

Rey Nambatac bigatin na mga napundar!

Sa anim na taon ni Rey Nambatac sa PBA, hindi niya sinayang ang kanyang malaking kinikita bilang professional basketball player.

Sa ‘My Puhunan’, ipinasilip ni Nambatac ang kanyang mga napundar.

Nagbigay ng tour ang Rain or Shine Elasto Painters star sa kanilang bagong bahay kung saan aniya ay kakalipat pa lang nila noong November 2022.

May ipinatayo ring basketball court si Nambatac kung saan siya nag-eensayo, patunay sa kanyang dedikasyon at passion sa paglalaro ng basketball.

Bukod pa diyan, mayroon ding nabiling lote si Nambatac, kung saan balak niyang magpatayo ng isa pang bahay kung saan doon sila maninirahan ng kanyang partner na si Kisha Ancheta.

“Ito ‘yung lupa ko dito sa Valenzuela… So eto ‘yung ano namin ni Kisha, future home,” wika ni Nambatac.

“Sobrang blessed ko kasi ‘yun nga, eto na ‘yung sa napundar ko na talagang lahat ng pagod, hirap ko, nag-pay off talaga,” saad pa niya.

Inaasahan na patuloy pang bubuhos ang blessing para kay Nambatac. Noong June ay kakapirma lang niya ng contract extension, ibig sabihin ay selyado ang kanyang paglalaro sa Rain or Shine hanggang 2026. (RP)

See Related Story Here:

Sasakyan ni Rey Nambatac nayupi

TELETABLOID

Follow Abante News on