WebClick Tracer

Rep. Co iginiit kahalagahan ng kita ng PAGCOR sa implementasyon ng proyekto ng gobyerno

Iginiit ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang kahalagahan ng kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang mapondohan ang mga mahahalagang programa at proyekto ng gobyerno.

Sa deliberasyon ngayong Lunes, sinabi ni Co na ang kita mula sa sugal at mga katulad na aktibidad ay kabilang sa pinanggagalingan ng pondo para sa sektor ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at kaligtasan ng publiko.

Sinabi ni Co na mayroong pondo ng PAGCOR na napupunta sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act (RA 11223).

“This consistent financial influx not only alleviates the burden on taxpayers but also promotes a balanced distribution of financial responsibilities,” sabi ni Co.

Bagama’t kumikita ang gobyerno, sinabi ni Co na dapat tiyakin na malalabanan din ang masamang epekto ng sugal sa lipunan.

“A well-structured regulatory framework not only safeguards public interests but also fosters a positive industry image that attracts responsible gamblers and investors,” dagdag pa ng kongresista.

Naniniwala rin si Co na ang bahagi ng kita ng PAGCOR ay dapat mapunta sa pagtugon sa mga gambling-related issue at tulong sa mga lubhang naapektuhan. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Rep Co: Bagong batas bagong panimula para sa mga magsasaka

TELETABLOID

Follow Abante News on