WebClick Tracer

Public viewing sa mga labi ni ex-Manila Vice Mayor Lacuna, sinimulan na

Binuksan na nitong Lunes ang public viewing para sa mga gustong magbigay ng kanilang huling respeto sa yumaong dating bise alkalde ng Maynila na si Danny Lacuna.

Ayon sa Facebook post ng kanyang anak na si Manila Mayor Honey Lacuna, kasalukuyang nakalagak ang mga labi ng dating bise alkalde sa Cosmopolitan Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Bukas ang public viewing hanggang sa Huwebes, Agosto 17, mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.

Samantala, nakatakda namang ihatid sa huling hantungan si Lacuna sa Biyernes, Agosto 18.

Pumanaw ang matandang Lacuna sa edad na 85-anyos noong Linggo ng umaga, Agosto 13, 2023.

Sinabi ni Mayor Honey na namatay ang kanyang ama na napapalibutan ng kanyang mga mahal sa buhay ngunit hindi ibinunyag ang dahilan ng pagkamatay nito. (IS)

Binuksan na nitong Lunes ang public viewing para sa mga gustong magbigay ng kanilang huling respeto sa yumaong dating bise alkalde ng Maynila na si Danny Lacuna.

TELETABLOID

Follow Abante News on