WebClick Tracer

Pagbalik ng pasukan sa Hunyo, pinag-aaralan

Pinag-aaralan ng gobyerno ang panukala na ibalik sa dati ang schedule ng pasukan na buwan ng Hunyo sa halip na Agosto.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga mungkahi na ibalik sa dati ang araw ng pasukan dahil panahon na ng tag-ulan at kawawa ang mga estudyante lalo na ang mga batang mag-aaral.

Sa panayam ng media sa Pangulo nitong Lunes, sinabi nitong masusing pinag-uusapan ang mungkahi at kinukunsulta ang mga guro para matukoy kung ano ang pinakamagandang panahon para sa pasukan ng mga estudyante.

” Pinag-aaralan natin. The DepEd is in the process — sila sa kasalukuyan ay mayroon silang ginagawang study kung ano ba talaga ang pinakamaganda.,” anang Pangulo.

Kaya aniya pinalitan ang schedule ng pasukan dahil sa pandemya, at ngayong pahupa na ang problema sa covid-19 ay pumalit naman ang climate change na hindi maaaring balewalain dahil sa magiging epekto nito sa bansa .

Sinabi ng Pangulo na titingnan nila kung ano ang pinakamaganda para sa mga estudyante lalo na sa mga bata at mga guro dahil ang unang isinaalang-alang dito ng gobyerno ay ang kanilang kapakanan at kaligtasan para hindi magkasakit.

“Titingnan lang talaga natin kung ano yung pinakamaganda both for the kids, especially for the teacher at saka sa ma administrative non-teaching staff. Dahil kailangan papasukin natin sila mainit masyado, baka hindi na kayang gawin ang trabaho nila, magkasakit pa,” dagdag ng pangulo. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Higit 13-M nakapag-enrol na para sa pasukan – DepEd

TELETABLOID

Follow Abante News on