WebClick Tracer

Nadine Lustre winner ulit na Best Actress sa FAMAS

Nasungkit ni Nadine Lustre ang ikalawa niyang Best Actress award sa FAMAS.

Para ito sa kanyang role sa drama-thriller film na “Greed”, na tungkol sa mag-asawa na nanalo ng pinakamalaking jackpot sa isang lottery.

Unang nagwaging Best Actress si Nadine para sa 2018 romantic drama film na “Never Not Love You”, kung saan nakasama niya ang ex-boyfriend na si James Reid. 

Itinanghal ding Face of the Night si Nadine sa ginanap na 71st FAMAS nitong Linggo, Agosto 13 sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Samantala, Best Actor naman ang isa sa mga cast member ng pelikulang “Family Matters” na si Noel Trinidad.

Big winner sa nabanggit na award-giving body ang pelikulang “Family Matters”, na kabilang sa entry sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Maliban sa Best Actor award, nakuha rin ng pelikula ang Best Picture at Best Editing, habang ang isa pang bumida rito na si Nikki Valdez ay tinanghal na Best Supporting Actress. (IS)

See Related Story Here:

Nadine Lustre ilalabas ang ‘Over Grown’ sa Hunyo 26

TELETABLOID

Follow Abante News on