WebClick Tracer

Mga pulis sa Aparri, Cagayan tamad – Tulfo

Sinisisi ni Senador Raffy Tulfo ang katamaran ng mga pulis kaya na-ambush si Aparri Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda noong Pebrero 19.

Si Almeda at limang iba ay napatay ng mga armadong kalalakihan na nagtayo ng checkpoint kahit na hindi naman sila pulis.

Ayon kay Tulfo, kung nagpatrolya lang umano ng maayos ang mga mobile car at hindi nagtutulog-tulog ang mga pulis, malamang na nahuli agad ang mga pumaslang kay Alameda

“Kung minsan kasi, nakikita ko po ang mga police mobile car naka-station lamang sa isang lugar, pinagtatawanan lang ng mga kriminal. Nagpapakita lang na tamad ang mga pulis natin,” sabi ni Tulfo.

“Kasi kung ginagawa lang ng ating kapulisan sa probinsiya kung saan napaslang si Vice Mayor Almeda baka nahuli itong mga culprits. It’s about time na gawin ang trabaho nila,” dagdag pa niya.

Pinuna rin Tulfo si Philippine National Police (PNP) spokesperson Jean Fajardo na nagsabi na wala umanong pulis na sangkot sa pagpatay kay Alameda.

“How can she say? Next time pakisabi sa kanya, wag basta basta ibubuka ang bunganga unless very sure siya na with pieces of evidence na hindi involved ang PNP dahil identified na talaga ang mga perpetrators,” sabi pa ni Tulfo.

Pinagsabihan naman ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng komite ang Nueva Vizcaya PNP na huwag basta pumasok sa kanilang hurisdiksiyon at at magsagawa ng checkpoint.

“This is my turf you have to coordinate. Dapat ganoon ang attitude ng mga pulis dito.

“You just can’t imagine may anim na widows na may kanya-kanyang pamilya at mga anak na walang ama kaya kumukulo ang dugo ko sa ganitong pag-abuso,” saad pa ni Dela Rosa. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Sara Duterte, Raffy Tulfo bakbakan sa SWS presidential survey

TELETABLOID

Follow Abante News on