WebClick Tracer

Mga kabataan bantayan laban sa fake news – PBBM

Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kabataan upang hindi mabiktima ng fake news.

Inatasan ng Pangulo ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na magtulungan upang maiiwas ang mga ito sa naglipanang fake news sa internet dahil madaling mapaniwala ang mga ito.

Sinaksihan ng Presidente ang paglulunsad ng Media and information Literacy Project nitong Lunes kasabay ang signing ceremony ng memorandum of understanding ng iba’t ibang ahensiya at pribadong stakeholders para labanan ang fake news sa bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na lantad ang mga kabataan sa social media kung saan nangyayari, nakikita at nababasa ang fake news kaya mahalagang mabigyan ng tamang kaalaman ang mga ito kung paano masuri ang mga imprmasyon o kung propaganda ba ang mga nakikita o nababasa sa social media.

“We must direct our attention to young people becuse they are the most involved. They are the ones who consider being online, working in the internet as part of their life,” anang Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na kahit sino ngayon ay maaari ng maglagay ng sariling opinyon gamit ang makabagong teknolohiya at madaling mapaniwala ang mg tao kahit hindi totoo kaya dapat mabantayan ito ng husto.

Kailngan aniyng magtulungan para malabanan ang fake news dahil ang magigin biktima sa mga ganitong gawain ay publoko.

“What we are fighting is the truth because what is– the very first casualty ofll of this… sometimes sinister, sometimes just mistaken, misguided activities, the first victim, the first casualty is the truth,”dagdag ng Pangulo.

Nagsulat din ang Presidente sa poster ng Media and Information Literacy campaign kung saan ang mensahe nito ay ” Fight for the truth”. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on