WebClick Tracer

Lunas sa kanser hindi bomba dapat atupagin ng mga scientists – ex-NSA

Para kay dating National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos ang dapat na atupagin ng mga scientist ay ang paghahanap ng lunas sa kanser sa halip na paggawa ng bomba.

Ginawa ni Carlos ang pahayag sa isang post sa Facebook.

“After Oppenheimer: why can’t scientists produce cure for cancer, etc. instead of producing Atom/Hydrogen bombs and WMDs?” sabi ni Carlos.

Ang pinatutungkulang Oppenheimer ay si J. Robert Oppenheimer, isang American theoretical physicist na tinaguriang ama ng atomic bomb dahil sa kaniyang papel sa pagdisenyo at pagsasaliksik ng atomic bomb noong World War II.

Mayroong pelikulang Oppenheimer na ipinalabas sa mga sinehan kamakailan. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Clarita Carlos sentimental sa pamamaalam sa UP Faculty Center

TELETABLOID

Follow Abante News on