WebClick Tracer

Lovi Poe may matamis na birthday message sa soon-to-be husband

Inihayag ni Lovi Poe sa social media ang sweet birthday message niya para sa kanyang British fiancé na si Montgomery Blencowe.

“Always one step at a time, hand in hand Happy Birthday @ montyblencowe!” sey ni Lovi sa Instagram.

Kasalukuyang nasa London si Lovi kasama si Blencowe.

Ayon kay Cristy Fermin, sa Europe gaganapin ang kasal ni Lovi.

“Ang isa sa mga dadalo sa pagpapakasal sa Europa ni Lovi Poe… si Senadora Grace Poe. Darating po siya sa kasal ng kanyang kapatid na si Lovi Poe, sa Europe po ‘yan. Nakakatuwa naman. Kasi close sila eh, close silang dalawa,” saad ni Cristy. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on