WebClick Tracer

‘It’s Showtime’ nanganganib sa child abuse?

Nanganganib umano ang programang “It’s Showtime” kapag isinama rito ang kasong child abuse, ayon kay Cristy Fermin.

“Ang nakakatakot ‘yung mga isyung kumakalat ngayon na talagang nakakatakot katulad ‘yung mayroong ipinanganak na child abuse. Nanganganib daw ang It’s Showtime lalo na kapagka isinama ‘yung kaso ng child abuse,” sey ng batikang kolumnista sa “Showbiz Now Na”.

“Ito kaya ay mauuwi sa kanselasyon ng programa? Eh ‘yun ang pinalalabas ng ibang sektor ‘di ba,” dagdag niya.

“At saka ‘yun pong mga bata kasi ay katabi nila. Kasi po ‘yung mga bata sa tahanan katulad na rin ng ipinapahayag ng MTRCB, may patnubay ng mga magulang. ‘Yun pong nangyari nung araw na kumain ng icing itong si Vice at saka si Ion Perez, andun lang po ‘yung mga bata sa tabi nila (na walang paggabay ng mga magulang),” patuloy pa niya.

Nauna nang inihayag ni Cristy na kumakalat umano ngayon ang tsikang hindi lang simpleng parusa ang ipapataw ng MTRCB sa “It’s Showtime”.

Samantala, isiniwalat naman ni MTRCB chairperson Lala Sotto na marami nang reklamo sa “It’s Showtime” na kanilang pinalagpas. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on