WebClick Tracer

‘Iti Mapukpukaw’ nasungkit ang Best Film sa Cinemalaya 2023

Inuwi ng ‘Iti Mapukpukaw’ ang Best Film sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2023.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Carlo Aquino, Dolly de Leon at Gio Gahol.

“Gusto kong ibigay ito sa lahat ng mga Eric na inalisan ng bibig at hindi makapagsalita,” ayon kay Carl Joseph Papa sa kaniyang acceptance speech.

Samantala, bukod sa Best Film, nanalo rin ang ‘Iti Mapukpukaw’ ng NETPAC Award para sa mga full length feature film at si Dolly rin ang hinirang na Best Supporting Actress.

(CS)

See Related Story Here:

Cinemalaya 2023: Sino ang namumurong best actress, best actor?

TELETABLOID

Follow Abante News on