WebClick Tracer

Hirit ng Makabayan: Agosto 14 ideklarang National Day for Comfort Women

Naghain ng panukala ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara de Representantes upang ipadeklara ang Agosto 14 bilang National Memorial Day for Comfort Women.

Sa House Bill 8859, sinabi ng mga mambabatas na layunin ng panukala na kilalanin ang kagitingang ipinakita ng mga comfort women at ang pakikiisa sa kanilang pakikipaglaban upang makamit ang hustisya.

“It seeks to ensure that the stories of the Lolas will continue to be told, and to raise awareness of the atrocities of war,” sabi sa panukala.

Ang Agosto 14 ay idineklarang International “Comfort Women” Day bilang paggunita sa paglabas ng Koreana na si Kim Hak Sun upang isapubliko ang pagiging comfort woman o sex slave nito ng mga sundalong Hapon noong World War II. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on