WebClick Tracer

‘Harap-harapan’: Nanay ibinahagi pagtatangkang pagdukot sa anak niya sa mall

Ikinuwento ng isang ina ang karanasan niya sa tila bagong modus sa pangunguha ng mga bata.

Viral ngayon ang Facebook post ng nanay na si Princess dela Cruz Palma mula sa Quezon City, tungkol sa harap-harapang pagtatangkang pagdukot umano sa kanyang anak na babae habang nasa loob sila ng isang mall sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa post ni Princess, hindi siya makapaniwalang mangyayari ang pagtatangkang pagkuha ng isang lalaki sa kanyang anak dahil kasama niya ito at nasa pampublikong lugar sila.

Narito ang kuwento ni Princess:

“While waiting for our food to be served, Rhian is just standing in front of her seat… Then someone approached her, ‘Kim! Kim Tara! (trying to grab Rhian’s hand).

“Napatayo ako at tinapik kamay niya, sabay sabi niya, ‘Anak mo?’ I said ‘Oo!’.

“Then he just walked away unbothered like nothing happened like ‘WHAAAATTT SOMEONE ATTEMPS TO TAKE MY CHILD!’

“Sobrang kaba ko di na ako makaupo.. Naghihintay ako may dumaan na guard para sabihan, Si Lan nasa kabilang Store bumibili ng food. So when he came sinabi ko agad sa kanya what happened tapos sinundan nya at nireport sa Guard..

“After 5 mins lumapit guard samin at lumabas na daw ang Lalaki. Iba pala ang pakiramdam bilang magulang pag sayo na nangyare.. Nanginginig ako sa Kaba.. Pagkatapos nun niremind ko ulit sila sa mga Stranger rules namin.. Kaya pala iba daw pakiramdam ni Lan habang bumibili sa kabilang store, may urge na gusto nya kami silipin.. Thank you kuya Guard na nag assist samin.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on