WebClick Tracer

Ejercito binara si Tiglao: Si Erap lang ang may balls na labanan ang China

Kinastigo ni Senador Joseph Victor Ejercito si dating Presidential Spokesperson Bobby Tiglao sa pagigiit na nangako noon sa China si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Muling iginiit ni Ejercito na ang kanyang ama ang nag-utos na isadsad ang BRP Sierra Madre sa naturang bahura para hindi pasukin ng China ang nasabing teritoryo.

“That’s very inconsistent and common sense tells us it was Pres. Joseph Estrada who ordered that BRP Sierra Madre be grounded in Ayungin shoal so paano namang siya rin ang magsasabi na to remove it na magkaroon ng commitment,” sagot ni Ejercito sa akusasyon ni Tiglao sa kaniyang kolumn sa isang pahayagan.

“I don’t know saan nanggaling yung statement ni Tiglao but it was them wo supported the entry of first salvo of Chinese intrusion through NBN ZTE baka yun ang dapat nilang alalahanin,” dagdag pa niya.

Ang iskandalong NBN-ZTE ay isang maanomalyang kontrata sa ZTE Corp. sa Tsina para sa proyektong National Broadband Network (NBN) ng pamahalaan na inaprubahan ng administrasyon ni Gloria Arroyo. Si Tiglao ay dating Presidential Spokesperson ng Arroyo administration.

Sabi pa ni Ejercito, kung tutuusin aniya’y si dating Pangulong Estrada ang may “bayag” na lumaban para sa soberenya at territorial integrity ng bansa.

“Kahit paano meron siyang balls to claim our territory against the super power. That they should have they done the work after nung inangkin natin yun, anong nangyari bakit mas lumaki ang pinanghawakan ng China right after so sila ang nagkulang,” sambit pa ng senador. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Papel ng PRA sa reclamation projects pinatatalupan ni Ejercito sa Blue Ribbon

TELETABLOID

Follow Abante News on